62

Mar 5, 2020 @ 18:34
By

Mga netizen: China tinataboy ang POGO, bakit pinayagan sa ‘Pinas?

Binatikos ng mga netizen ang hindi pa rin pagsuspinde o pagpapahinto ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operation sa Pilipinas sa kabila ng pag-amin ng Philippine National Police sa Senado na dumadami ang mga kaso ng casino-related kidnapping at prostitusyon.

Ani @AngManunupa, hindi pa raw ba valid reason iyon para ipahinto na ang POGO sa Pilipinas.

“So is this not valid enough to suspend and/or stop the POGO operation in the Philippines Mr. Salavador Panelo and Mr. Rodrigo Duterte just like what you did with STL or are we just AGAIN covering up the Chinese company in extent of your full respect to China? Shame,” ani @AngManunupa.

Sabi naman ni @theofficial_deo, paano masasawata ang problemang dulot sa lipunan ng mga gambling-related crime kung itutulak ng gobyerno ang patuloy na operasyon ng mga POGO sa bansa.

“If the government is still pushing the continued operation of POGOS in the country, we can’t eradicate the rising social problems and gambling related crimes,” comment ni @theofficial_deo.

Ang China nga raw ay ayaw ng POGO sa kanilang bansa, bakit sa Pilipinas ay pinapayagan ito.

“China doesn’t want POGO. but the duterte ilk and corrupt officials are raking in moneys from their illegal activities,” reaksyon ni @TataOjie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?