74

By

Mga netizen buwisit kay Dumaan dahil sa pananakit

Muli na namang nakaladkad sa kontrobersiya ang bansang ‘Pinas sa pagpapatuloy ng 2019 SEA Games.

Ito ay matapos ulanin ng batikos ang naganap na sagupaan sa pencak silat sa pagitan ng Malaysian athlete na si Muhammad Faizul Nazir at pambato ng bansa na si Dines Dumaan.

Sa kumakalat na video ay makikitang namilipit sa sakit ang atleta ng Malaysia matapos magtamo ng solidong sipa mula sa Pinoy athlete kahit na lamang na ito at tumba na ang kalaban.

Dahil sa naging asal ni Dumaan ay kaliwa’t kanan na naman ang inilabas na himutok at banat ng mga netizen kontra sa manlalaro at tagapangasiwa ng laro.

Sey ni @fritzitsme, “the arrogance of this boy is manifest. Look at the way he acted after the kick. Did the boy & his team apologize?”

Nais naman ni netizen @Ryeyan na ma-disqualify si Dumaan. “He should be disqualified, hindi man lang nilapitan chineck kung ok. This is not sports! Cockiness from team Philippines.”

Foul naman ang hirit ni @peachybrets, “that was a foul play. Naka-dalawa na sa Malayasia ah.”

Nag-alala naman sa Mayasian athlete si @markroyboado, “do we have any update on him?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?