38

Jul 21, 2021 @ 22:19
By

Mga netizen bumilib sa drive-thru graduation sa Panabo

Tagumpay na nairaos ang graduation ng mga mag-aaral ng Panabo Central Elementary School SPED Center (PCESSC) sa Davao del Norte sa pamamagitan ng drive-thru ceremony.

Isinagawa ang drive-thru graduation ceremony para sa mga graduate ng batch 2020-2021 noong July 7-9. Tatlong araw isinagawa ang graduation upang maiwasan ang overcrowding.

Ani Miss Carolyn Arado, Principal III ng PCESSC, binuo ang drive-thru graduation batay sa “new normal” na pamumuhay nang hindi lumalabag sa mga basic health protocol.

Nilagyan ang school ground ng sari-saring colored flaglet na nagsisilbing distance marker sa mga tricycle.

Kinabitan din ang stage ng totoong graduation backdrop at mayroon ding mga hand sanitizer. Dumadaan din ang bawat tricycle sa fogging at disinfection device.

Nagmartsa sa stage ang mga estudyante nang nakasuot ng uniporme kasama ang kanilang mga magulang.

Nakapila ang mga tricycle patungong gym at kapag tinawag na ang pangalan ng estudyante ay magtutungo sila sa itinalagang dropping area sa harap ng stage.

Magsa-sanitized muna ang estudyante at kanyang kasama saka aakyat sa stage at tatanggapin ang kanyang diploma, medalya at iba pang award.

Matapos ay babalik sa kanilang tricycle ang mga ito at aalis na sa lugar.


Kinabiliban ng mga netizen ang diskarteng ito ng PCESSC:

“I salute to all the teachers, and others that are involved in making this drive thru grad ceremony possible kudos!!”

“Thank you so much for all the teachers to make this drive-thru graduation ceremony possible congratulations all.” (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?