219

Jun 27, 2019 @ 15:05
By

Mga netizen ‘broken-hearted’ sa hiwalayang #SongSongCouple

Top trending sa Twitterverse ang pagpa-file ng divorce ni Song Joong-ki kay Song Hye Kyo, ang mga star ng hit Korean drama “Descendants of the Sun”.

Ito’y matapos ianunsiyo ng lawyer ni Joong-ki na si Park Jae Hyun na nag-take na ng legal steps ang aktor para sa kanilang paghihiwalay ni Song Hye Kyo na hindi na sinabi ang dahilan.

Marami tuloy mga netizen ang hindi makapaniwala at nawasak ang puso sa pumutok na balita ng separation ng SongSongCouple.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?