718

Oct 7, 2018 @ 17:09
By

Mga netizen banas sa interbyu ni Korina kay Mocha

Muli na namang binatikos ang batikang reporter na si Korina Sanchez matapos ianunsiyo ang magiging interbyu sa kakabitiw lang sa puwesto na si Mocha Uson para sa kanyang programa na ‘Rated K’.

Sa kanyang Facebook post, inilahad ni Sanchez ang ilan sa kanyang mga tanong para sa kontrobersiyal na personalidad na nakilalang isa sa mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Yes, I just had an interview with headliner political figure and social media influencer Mocha Uson. My questions: Sino ang pinipili mong patulan? Nakipag sabunutan ka na ba for real? Ano ang sagot mo sa bashers mo? Meron ka bang ginawa o sinabing pinagsisisihan mo? Titiwalag ka na ba? Bakit ka nag resign? Tatakbo ka na ba sa eleksiyon?”

Ngunit hindi naging maganda ang tugon ng mga netizen sa interbyu na ito.

Saad ng ilan, hindi sila interesado na mapanood ang nasabing panayam dahil parang libreng airtime umano para sakaling tumakbo sa halalan si Uson.

“Bad trip ka din talaga. Bigyan ba ng plataporma ang taong gumago sa taong bayan? Haven’t we had enough of her inanities na pauulit mo pa ang mga kagagahan niya sa show niya? Ano ang sasabihin mo? Trabaho lang? Wala nang prinsipyo? Ratings na lang? Nakaka-turn off!” saad naman ng Facebook user na si Dennis Heruela.

Marami naman ang nagsabing hindi na muna sila manonood ng ‘Rated K’ dahil sa pagpapaunlak ng interbyu kay Mocha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?