32

By

Mga netizen aprub sa Meralco bilang kinatawan sa FIBA Asia Champions Cup

Sharing is caring!

Susundan ng Meralco Bolts ang yapak ng Rain or Shine Elastopainters maging ang Ateneo Blue Eagles bilang isang buong koponan na rerepresenta sa mga international tournaments sa parating na 2018 FIBA Asia Champions Cup sa Setyembre 27 hanggang Oktubre 2.

Gaganapin ang nasabing torneo sa Thailand at haharapin ng Meralco ang ilang mga top teams sa Asian region mula Lebanon, South Korea, Japan, Thailand, Iran, Chinese Taipei at China.

Unang napabalita na San Miguel Beermen dapat ang ipapadala ng Pilipinas sa patimpalak, ngunit pinabulaanan ito ni SMC sports director Alfrancis Chua.

Gayunpaman, bilib pa rin ang mga Pinoy na ipinaabot ang kanilang kumpiyansa at suporta sa Meralco Bolts sa pagbandera nito sa FIBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?