47

Nov 23, 2021 @ 17:33
By

Mga netizen agawan sa P360M Ultra Lotto jackpot

Tumataginting na P360 milyong jackpot prize ang maaaring mapanalunan sa bobolahing Ultra Lotto 6/58 ngayong Martes, Nov. 23.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma, ito ngayon ang pinakamalaking jackpot prize sa lahat ng palarong lotto ng PCSO.

Dino-draw ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

“Sana ako na mnalo kc my kapansanan ako tpos wala akong trabaho. para magkaroon ako ng puhonan at magkaroon ng hanap buhay. mtolongan kodin mga kpatid ko at mga kamag anak sa provencia,” saad ni Ingga Caballes sa Facebook post ng PCSO.

“Sana manalo ako para sa familia makatulong ako sa kanila at mga pangarap ko kahit katunga lang lahat masolve ang problema ko,” sambit naman ni Norma Nabor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?