64

Jan 15, 2020 @ 11:33
By

Mga negosyong tinamaan ng pagsabog ng Taal Volcano balik-operasyon

Balik-operasyon na ang ilang establisyimento sa kahabaan ng Sta Rosa Tagaytay Road sa bahagi ng Barangay Pasong Langka, Silang, Cavite ngayong Miyerkoles, Enero 15.

Gamit ang kani-kanilang generator, nagbukas na ang ilang gasolinahan at convenience stores sa lugar.

Pero mababanaag pa rin ang kalunus-lunos na sinapit ng probinsya sa pag-alburoto ng Bulkang Taal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?