452
robi
May 12, 2018 @ 17:58
By

Mga negosyante, todo-bantay na sa epekto ng Sereno ouster

Aligaga ang mga malalaking negosyante sa bansa sa posibleng idulot sa ekonomiya ng pagpapatalsik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Roberto de Ocampo, vice chairman ng Makati Business Club, tututukan nila kung ano ang maaaring maging pangmatagalang epekto ng naging desisyon ng mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema.

Aniya, oobserbahan nila kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw.

Paliwanag niya, ang isa sa kanilang tututukan ay ang epekto sa pamumuhunan sa bansa kapag may mga kasunod pang pangyayari na magaganap.

Ibinahagi naman ni De Ocampo, na dating finance secretary, na una na nilang inihayag na mas pinaboran nila ang pagsalang na lang kay Sereno sa impeachment trial sa Senado para malinawan ang lahat ng mga pagdududa sa kanya.

Inayawan na rin umano ng kanilang grupo ang quo warranto petition, na siyang denisisyunan kahapon ng mga mahistrado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?