103
Mga negosyante, bilib kay Duterte – Palasyo
Mar 31, 2019 @ 10:40
By

Mga negosyante, bilib kay Duterte – Palasyo

Ikinatuwa ng Malacañang ang naging resulta ng Business Expectations Survey (BES) kung saan ay ipinakitang umangat sa 35.2 porsiyento ang business confidence sa bansa.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na siyang naglabas ng survey, ang business overall confidence index (CI) sa first quarter ng taon ay ang pinakamataas na lebel simula noong second quarter nang 2018.

Naitala ng BSP na mayroong 27.2 % na CI ang bansa noong fourth quarter ng nakaraang taon.

“We consider this jump of business optimism as a good indicator of strong business and investor confidence to the decisive leadership of President Rodrigo Roa Duterte and his competent economic team, which resulted in the easing of inflation and higher government infrastructure spending, two of the primary reasons mentioned by respondents for their upbeat outlook,” ani spokesman Salvador Panelo.

Dagdag pa ni Panelo, si Pangulong Rodrigo Duterte ay “man of action” at isa sa mga prayoridad umano nito ay ang pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?