44

Jun 13, 2021 @ 9:08
By

Mga NCR mayor pabor sa pinaluwag na GCQ

Kumbinsido ang mga alkalde sa Metro Manila na ibalik na ang normal na general community quarantine sa rehiyon.

Sa report ng ’24 Oras Weekend’ ilang mayor ang nagsabi na napapanahon nang ibalik ang pinaluwag na GCQ kasabay ng patuloy na pagbaba ng COVID-19 case sa Metro Manila.

Sa ngayon ay GCQ ‘with restrictions’ ang nakataas sa Metro Manila, kasama pa ang Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na kasama sa NCR Plus.

“Magbobotohan ho kami pero ako po, I am in favor of gradual easing of restrictions,” ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Aprub din si Mandaluyong Mayor Menchie Abalos na ibalik na ang normal na GCQ sa Metro Manila sa patuloy na vaccination program ng gobyerno kung saan pinapayagan na ang A4 priority group.

“Magpabakuna na sila para talagang makapag trabaho na sila ng maayos. And, of course, wag pa rin silang makakalimot doon sa kanilang social, health protocol,” lahad ni Abalos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,