7

By

Mga NBI agent na nag-imbestiga sa Dengvaxia pinarangalan

Sharing is caring!

Ginawaran ng pagkilala ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga agent nito na sumiyasat sa ilang kontrobersyal na anomalya.

Pinangunahan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang pagbibgiay parangal sa mga investigator ng NBI-National Capital Region na nag-imbestiga at humantong sa pagsasampa ng kaso sa isyu ng Dengvaxia vaccine, ganun din sa isyu ng DPWH Right of Way Scam at Boracay Funds at iba pang mga national anomaly.

Sa kanyang mensahe sa ika-82 anibersaryo ng NBI, hinamon ni Guevarra ang mga NBI agent na huwag magpatinag sa kanilang pagtupad sa tungkulin, pader man ang kanilang babanggain.

Kamakailan lang ay sinampa ng NBI-NCR sa DOJ ang reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay dating Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?