126

Jan 27, 2020 @ 18:51
By

Mga NBA player nagluksa sa pagkawala ni ‘Black Mamba’

Malungkot na Enero ang bumungad sa mga basketball fan nang yumao si NBA legend Kobe Bryant sa helicopter crash Linggo ng umaga (Lunes, Manila time).

Hindi rin nakaligtas ang kanyang anak na si Gianna Bryant at ang pitong iba pang nakasakay sa private chopper.

Bumuhos ang pagdadalamhati ng mga NBA player sa biglaang pagkamatay ni ‘Black Mamba’.

“Beyond devastated… my big brother… I can’t, I just can’t believe it,” sabi ng kakampi ni Bryant sa huling dalawang kampeonato niya sa Lakers na si Pau Gasol (@paugasol)

“Devastated,” tweet naman ni Manu Ginobili (@manuginobli).

“There’s no words to express the pain Im going through with this tragedy of loosing my neice Gigi & my brother @kobebryant I love u and u will be missed. My condolences goes out to the Bryant family and the families of the other passengers on board. IM SICK RIGHT NOW,” sey ni Shaquille O’Neal (@SHAQ).

Hindi naman makapaniwala si D-Wade (@DwyaneWade), “Noooooooooo God please No!”

Maging si Jayson Tatum (@jaytatum0), “Nooooooo cmon someone say it ain’t true… I’m sick to my stomach right now.”

Si @JoelEmbiid, hindi rin makapaniwala: “Man I don’t even know where to start, I started playing ball because of KOBE after watching the 2010 finals. I had never watched ball before that and that finals was the turning point of my life. I WANTED TO BE LIKE KOBE. I’m so FREAKING SAD right now!!!! RIP LEGEND.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?