13

Mga NBA player nagdalamhati sa California mass shooting

Sharing is caring!

Nagluksa ang mga manlalaro ng NBA para sa mga biktima ng mass shooting sa Thousand Oaks, USA suot ang kanilang special warm up jersey.

May nakasulat na salitang ‘Enough!’ sa harap ng itim na t-shirt na suot ng mga player samantala sa likod naman nito’y nakasulat ang lahat ng pangalan ng nasawi sa insidente kabilang na ang Filipina American na si Alaina Punzalan Housley.

Matatandaang 12 ang namatay sa isang bar sa Thousand Oaks matapos pagbabarilin ang mga ito hatinggabi ng Huwebes.

Sa post ng LA Clippers sa Twitter ay inaanyayahan ng mga ito ang mga fan na makiisa sa blood drive activity ng grupo.

Ang sinumang mag-donate ng dugo ay makatatanggap ng libreng ticket para sa future home game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?