73

Jun 22, 2018 @ 20:14
By

Mga NBA draftee kanya-kanyang porma

Agaw-eksena sa NBA draft ang suit ni Shai Gilgeous-Alexander.

Sa Barclays Center sa Brooklyn nitong Huwebes, astig sa floral suit ang Canadian na No. 11 pick ng Charlotte Hornets bago pinamigay sa Los Angeles Clippers kapalit ni No. 12 Miles Bridges.

Bulaklakin ang suit ni Gilgeous-Alexander, kulay tan.

Kapansin-pansin na halos iisa ang fashion ng draftees, kipot na pants na medyo bitin, litaw ang mga bukong-bukong, wala ring litaw na medyas.

Maliban kay Serbian Luka Doncic na mahaba pa ang pants, hanggang sapatos. Kinuha ng Dallas si Doncic.

Si No. 5 pick Trae Young na napunta sa Atlanta, mukhang nawili sa kapapanood kina LeBron James at Draymond Green sa NBA Finals. Shorts din ang ginawang terno ni Young sa kanyang suit.

Makulay si No. 1 pick overall Deandre Ayton ng Phoenix. Labas ang kuwelyo ng panloob na pink shirt ng 7-foot-1 center at lutang sa suot na blue suit-pants combo. Kumpleto pa siya sa accessories at blings.

Si Wendell Carter, nagsuot ng Black Panther-inspired black suit, may makulay na shawl pa. No. 7 pick ng Chicago Bulls si Carter.

Nagkakasundo sila sa isang bagay: Walang lumabas na medyas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?