10

Nov 30, 2020 @ 16:02
By

Mga nawasak na COVID-19 lab sa bagyo kumpunihin – Hontiveros

Isusulong ni Senadora Risa Hontiveros na madagdagan ang pondo sa 2021 national budget ng Department of Health (DOH) para mabilis maisaayos ang mga COVID-19 testing at isolation facility na nasira ng mga nagdaang bagyo.

Ayon sa kay Hontiveros, ang dagdag na DOH budget ay mapupunta sa pagpapagawa ng mga pasilidad na nasira sa Bicol Region partikular sa Camarines Sur, Albay at Camarines Norte kung saan mataas ang bilang ng coronavirus infection.

“Testing and isolation are two of the most important steps in our fight against COVID-19. Any delay in the restoration of these facilities could be a major setback in our progress. The additional budget means there should be no excuses for inaction,” sabi ng senadora.

“Wag nating hayaan maging COVID-19 hotspots ang mga lugar na hirap din makabangon sa mga dumaang bagyo,” dagdag pa nito.

Sabi ng mambabatas, nakakabahala ang bahagyang pagbaba ng kaso ng virus at indikasyon aniya ito na hindi kumpleto ang pag-uulat hinggil dito.

“Bumababa lang ang reported cases sa typhoon-hit areas dahil bulag tayo pag wala o kulang ang testing centers. Doble-doble talaga ang laban sa mga lugar na ito,” ani Hontiveros.

“Without active testing and functioning quarantine facilities in the areas, it is possible for COVID-19 to be passed around undetected and rapidly. Lalo na nagsisiksikan ang mga tao sa evacuation centers, napakadelikado nito,” lahad pa nito.

“Many of these areas remain devastated, and up to now are still experiencing hard rainfall. Lahat na ang nawala sa kanila. Protektahan natin sila sa pandemyang ito,” pagtatapos pa ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?