5

Jan 17, 2021 @ 16:31

Mga natn’l athlete balik training na, target mapasama sa Tokyo Olympics

Nagtungo na ang ilang mga national athlete ng bansa sa Inspire Sports Academy sa Laguna upang mag-ensayo para sa Olympic qualifying tournament.

Dumating ang mga pambansang atleta sa boksing, karate at taekwondo sa naturang akademya sa Calamba.

Unang dumating ang mga boksingerong sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam sa Laguna.


Kasama ng dalawa sila Marjon Pianar, Junmilardo Ogayre, Mario Fernandez, John Paul Panuayan at Marvin Tabamo.

Ayon kay Petecio, excited na siyang mag-ensayo kasama ang kaniyang mga teammate.

“Sobrang excited po (ako), kasi sa wakas makaka-training na kami nang maayos at magkakasama po kami ng mga teammates ko,” wika niya.

Sunod namang dumating sa pasilidad ang mga taekwondo jin at karateka.

Binubuo ang taekwondo team nila Kirstie Alora, Kurt Barbosa, Arven Alcantara, Joseph Chua, Samuel Morrison, Baby Jessica Canabal at Lalla Delo.


Samantala, binubuo ang karate team nila Southeast Asian games gold medalist Jamie Lim, Kirstie Alora, Kurt Barbosa, Arven Alcantara, Joseph Chua, Samuel Morrison, Baby Jessica Canabal at Lalla Delo.


Ayon kay Philippine Sports Commission Commissioner Ramon Fernandez, makakapag-ensayo na ang mga manlalaro nang normal kumpara noon na puro pisikal na pagkokondisyon lamang.

“In the bubble, they’ll be able to train in a normal way. Unlike now na they’re training on their own, puro physical conditioning lang,” sambit niya.

“In the bubble, they will have their sparring partners, especially for the martial arts sports,” dagdag pa niya.

Kasalukuyang apat na Pilipinong manlalaro na ang pasok sa Tokyo Olynmpics: sila Eumir Marcial at Irish Magno (boksing), Carlos Yulo (gymnastics) at EJ Obiena (pole).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?