53

Oct 20, 2020 @ 18:19
By

Mga natigil sa trabaho bawas ang 13th month pay

Hindi matatanggap ng buo ng mga mangaggawa ang kanilang 13th month pay ngayong Disyembre kung hindi sila nakapasok ng ilang buwan dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ang nilinaw ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa harap na rin ng sitwasyon ng mga mga mangaggawang ang mga kompanya ay nagpatupad ng skeletal force o kaya ay pansamantalang magsuspende ng kanilang operasyon.

Sinabi ni Bello na ipapatupad ang pro-rata sa mga manggagawang hindi nakumpleto ang 12 buwan sa trabaho para sa kanilang 13th month pay.

“The number of days na hindi sila nakapasok whether it is voluntary or involuntary will have to be deducted in the computation of the 13th month pay,” ani Bello.

Ikinalungkot naman ng mga manggagawa sa pribadong sektor na hindi makakatanggap ng buo sa kanilang 13th month pay dahil hindi naman anila kagustuhang hindi makapasok sa trabaho.

Maraming kumpanya ang pansamantalang nagsuspinde ng kanilang operasyon sa mga unang buwan ng lockdown na nagsimula noong Marso dahil sa pandemya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?