46
views

By

Mga nasawing pulis sa Leyte misencounter, ginawaran ng Order of Lapu-Lapu

Sharing is caring!

Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng anim na pulis na nasawi sa misencounter sa tropa ng Philippine Army sa lalawigan ng Leyte.

Sa kanyang pagdalaw, ginawaran ng Pangulo ang mga biktima ng Order of LapuLapu rank of Kalasag, na ginanap sa Camp Ruperto Kangleon, Palo, Leyte.

Hindi maitago ng pamilya ng mga nasawing pulis ang kalungkutan at hiniling sa Pangulo na tulungan silang mabigyan ng hustisya ang sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay.

Kabilang sa mga opisyal na kasama ng Pangulo ay sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at mga hepe ng Philipppine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Naunang inihayag ng Pangulo na isasama niya sa pagdalaw sa mga nasawing pulis ang tropa ng Philippine Army na nakasagupa ng mga ito.

Kabilang sa mga nasawing pulis sa misencounter ay sina PO1 Julie Escalo, PO1 Phil Jay Rey Mendigo, PO1 Rowel Reyes, PO1 Julius Suarez, PO1 Windell Noromor at PO1 Edwin Ebrado.

Binisita rin ng Pangulo ang siyam na iba pang pulis na nasugatan sa insidente.

Nagbigay ng tulong ang Pangulo sa pamilya ng mga nasawing biktima gayondin sa mga nasugatang mga pulis.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?