55
rodrigo-duterte
By

Mga narco politician taksil sa bayan! – Duterte

Maihahalintulad sa treason o pagtataksil sa bayan ang pagkakasangkot ng maraming pulitiko sa illegal na droga.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte Huwebes ng gabi matapos isapubliko ang partial list ng narco list na kinabilangan ng mga halal na opisyal ng gobyerno.

Ayon sa Pangulo, mabigat na kasalanan ang pagtataksil sa bayan dahil sinira mismo ng mga pulitiko ang tiwalang ibinigay sa kanila ng taong bayan sa pamamagitan ng illegal na droga.

“This is actually treason. You are in the government and you commit a crime it could be likened in the olden times it would be categorized as treason. You committed against the people,” anang Pangulo.

Hiniling ng Presisente ang tulong ng media para ikalat ang pangalan ng mga politikong nasa narco list dahil nakasalalay dito ang interes ng bansa.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na may karapatan ang mamamayan, partikular ang mga botante na pumili ng tapat, karapat dapat at hindi kriminal na mamuno sa kanila.

” We would like the media to share this us this moment so that this thing could be given the widest publicity since it affects national interest the right to choose leaders who are competent, able, honest and who are not criminal,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang mga pangalang inilabas sa partial list ay kinasuhan na sa Ombudsman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?