86
Mga narco politician na pinangalanan ni Duterte, iimbestigahan na ng AMLC, PACC
Mar 15, 2019 @ 15:39
By

Mga narco politician na pinangalanan ni Duterte, iimbestigahan na ng AMLC, PACC

May sariling imbestigasyon ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban sa mga politikong pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa narco-list.

Sinabi ng Pangulo na gagamitin ng gobyerno ang magiging resulta ng imbestigasyon ng dalawang ahensiya para lalo pang mapalakas ang kasong isasampa laban sa mga narco politician.

Inaasahang kakalkalin ng AMLC ang account ng mga pinangalanang politiko para mabatid kung gaano kalaki ang pera ng mga ito at kung naaangkop ba sa kanilang kinikita bilang mga opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi maigigiit ng mga narco politician ang right to privacy dahil mas isinaalang-alang ang interes ng estado at ng publiko.

Sinabi ng Presidente na bilang lider ng bansa, pangunahing prayoridad nito ang kaayusan sa gobyerno at kapakanan ng mga Pilipino.

“As your President, my ultimate concern is the pursuit of order in government and the welfare of the Filipino people. My administration assures you of our dedication to change the lives of Filipinos now, not tomorrow,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?