13

Jan 4, 2022 @ 15:53
By

Mga naputukan umabot na sa 173 – DOH

Umabot na sa 173 ang bilang ng mga indibidwal na nasugatan dahil sa paputok, ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ay matapos maitala ang anim na karagdagang firecracker-related injuries sa Pilipinas nitong Martes.

Sinabi ng DOH, ang 39 porsyento sa mga kasong ito ay mula sa Metro Manila.

Ang 18 ay burn injuries na nangangailangan ng amputation at 114 naman ay hindi nangangailangan ng amputation.

Dagdag pa ng ahensya, 57 na kaso ay hand injury; 45 ang eye injury; 24 ang nagkaroon ng head injury; 20 naman ang nagka-injury sa braso; habang 19 naman binti.

Mayroon na ring naitalang isang tinamaan ng stray bullet nitong Enero 2.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring naibabalitang nakalunok ng paputok. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,