4,709
duterte
May 25, 2018 @ 12:28
By

Mga nangurakot sa Malampaya funds, mananagot kay Duterte

Hindi palulusutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga dating opisyal na nakinabang at nagsamantala sa kinita ng natural gas project na Malampaya Reservoir sa Palawan.

Inihayag ito ng Pangulo bilang bahagi ng kanyang kampanya kontra korapsiyon sa gobyerno.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi siya papayag na maibaon sa limot ang winaldas at kinurakot na pondo ng Malampaya na nagkakahalaga ng P25 bilyon.

Mahigpit aniya ito pagdating sa pera dahil naniniwala siyang dapat mapakinabangan ng mga tao ang kita ng gobyerno, sa halip na iilan lang ang magpasasa.

“Ngayon lang sa Malampaya binastos pa, kinurap (corrupt) pa. But I can assure you that I will get into it. Hindi ako papayag na… You know me, I’ve been your mayor 23 years. I’ve been quite strict with money,” anang Pangulo.

Sunod-sunod ang mga sinisibak na mga opisyal sa gobyerno dahil sa isyu ng korapsiyon at sinabi ng Pangulo na hindi rin lusot ang mga dating opisyal na nagkamal ng malaking pera ng gobyerno.

Batay sa report ng Commission on Audit(COA), hindi ma-reconcile ang balanse ng Malampaya fund batay sa kanilang mga hawak na records at mayroong P25 billion na nawawala matapos i-compute ang total releases mula sa total remittances ng pondo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?