133

Dec 21, 2018 @ 19:16
By

Mga nanghihinayang sa Road Board, sa korte na dumiretso! – Palasyo

Walang makakapigil kay Pangulong Rodrigo Duterte para pirmahan ang pagbuwag sa Road Board na pinagkukunan ng Road User’s Tax.

Tugon ito ng Palasyo sa paggigiit ng Kamara na hindi umano pirmado ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang ipinasang panukalang batas na magbubuwag sa Road Board.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nasa Malacañang na ang enrolled bill at kung may legal na kuwestiyon ay dalhin na lamang ito sa korte.

Naikonsulta na aniya kay Executive Secretary Salvador Medialdea ang kawalan umano ng pirma ng House Speaker sa naipasang panukalang batas dahil binawi ng Kamara ang kanilang desisyon na buwagin ang Road Board.

“The President really wants to end this,he will sign it. Then they will go to the court, those from the House, they may question it.

Its only ministerial on the part of the Speaker and Senator Sotto was explaining, and I tend to agree that since the House has already submitted to us, they have lost jurisdiction over the same,” ani Panelo.

Hinihintay na lamang ng kalihim kung kailan itatakda ang petsa para opisyal na mapirmahan ng Pangulo ang pagbuwag sa Road Board.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?