25

May 9, 2020 @ 14:58
By

Mga nanay papurihan – Isko

Nagpaabot ng kanyang pagbati si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa lahat ng nanay sa paggunita ng Mother’s Day.

Sinabi ni Moreno na dapat na mahalin, papurihan, at bigyan ng pagkilala ang mga ina.

“Kung wala ang ating mga ina, wala tayong lahat dito kaya marapat lamang na sila ay ating mahalin, papurihan at batiin man lamang sa Mother’s Day,” ani Moreno.

“Ito ang ating munting kaparaanan upang sila ay mapasaya kahit paano, dahil hindi naman natin sila pupuwedeng i-blowout sa labas o ipasyal sa ngayon,” dagdag pa ni Moreno.

Personal din na ipinaabot ni Moreno sa lahat ng nanay ang kanyang pagbati.

“Sa lahat ng mga ina, Happy Mother’s Day at nawa ay patuloy kayong protektahan ng ating Panginoon, lalo na laban sa COVID-19.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?