james-jimenez
By

Mga nanalong kandidato sa BSKE, 100% nang naproklama – Comelec

Sharing is caring!

Naiproklama nang lahat ang mga nanalong kandidato sa katatapos pa lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Kinumpirma ni COMELEC Spokesman James Jimenez na naitala ang 100% proclamation kaninang alas-4:30 ng madaling araw.

Iyan ay magmula Regions 1 hanggang 12, kasama na ang National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at CARAGA.

Sa kabuuan, umaabot sa 41,943 barangay ang nakapagproklama.

Bagama’t nakapagproklama na, ang election period ay tatagal pa hanggang May 21, 2018 kaya ipinatutupad pa rin ang gun ban at pagbabawal sa pagbitbit ng patalim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?