69

By

Mga nanalong kandidato ng Hugpong, nanumpa na kay Duterte

Nanumpa kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ngayong Martes ng hapon ang mga bagong senador mula sa partidong Hugpong ng Pagbabago.

Dumating ang lahat ng nanalong senador kasama ang mga pamilya maliban kay Senador Aquilino “Koko” Pimentel III.

Kasalukuyang nasa New Zealand si Pimentel kaya wala ito sa oath-taking ceremony.

Kabilang sa mga nanumpa kay Pangulong Duterte sina Senadora Cynthia Villar, Pia Cayetano, Imee Marcos, Senators Bong Go, Ronald “Bato” dela Rosa, Francis Tolentino, Sonny Angara at Bong Revilla.

Bukod sa HNP senators ay nanumpa rin sa hiwalay na venue sa Malacañang ang mga bagong halal na local official at mga bagong kongresista kasama na rito ang mga nanalong party-list representative.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?