110
harry-roque
Jan 24, 2018 @ 11:53
By

Mga nakinabang sa ‘kickback’ sa Dengvaxia dapat tanggalan ng maskara – Palasyo

Nais ng Malacañang na mailantad sa publiko kung sino sa mga dating opisyal ang nakinabang at kumuha ng “kickback” sa biniling palpak na anti-dengue vaccine mula sa kumpanyang Sanofi Pasteur.

Ito ay matapos ihayag ng kumpanya na hindi lahat ng P3.6 billion na halaga ng kontrata sa dengvaxia vaccine ang binayaran sa kanila ng dating administrasyon.

Nakatanggap lamang umano ng 1.4 billion ang Sanofi Pasteur na siyang isinauli sa gobyerno dahil ang P2.2 billion ay naging kumisyon umano ng mga dating opisyal.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mahalagang malaman kung sino sino ang mga nagbulsa ng kickback para maparusahan dahil hindi isinaalang-alang ang kaligtasan ng mga batang nabakunahan ng dengvaxia.

Iginiit ni Roque na hindi sapat na isinauli ng Sanofi Pasteur ang halaga ng mga hindi nagamit na bakuna dahil dapat magbayad din ng danyos sa buhay ng mga nasawi dahil sa bakuna.

“Well alam nyo po pananagutan ng Sanofi yan kung talagang napatunayan na may kabulastugan at namangkero lang talaga, hindi lang 3.6 billion kundi lahat ng danyos na idinulot nito sa ating mga kabataan. Mahina po siguro diyan ang 3.6 billion dollars at hindi pesos,”ani Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?