57

Mar 6, 2020 @ 16:11
By

Mga naka-quarantine na dayuhan sa North Korea pinalabas na

Pinakawalan na ng North Korea ang nasa 221 dayuhan na isinailalim nila sa “strict confined medical observation” kaugnay sa new coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon ito sa Korean Central News Agency ngayong Biyernes, Marso 6, 2020. Wala na itong binanggit na iba pang detalye.

Unang napaulat sa kanilang state radio na nasa 380 dayuhan ang binabantayan sa posibleng pagkakahawa sa sakit.

Bagama’t wala pang kinukumpirmang kaso, sinabi ng pamunuan ng NoKor na binabantayan nila ang nasa 7,000 indibidwal kaugnay sa sakit. Naghihigpit din aniya sila ng screening sa mga mamamayang nanggaling sa ibang bansa o nakahalubilo ang mga dayuhan.

Samantala, naitala na sa mga kalapit-bansa nitong China ang higit 80,500 kumpirmadong kaso ng COVID-19, at South Korea na may higit 6,200.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?