152

Dec 30, 2019 @ 14:15

Mga nagwewelga sa Cavite binisita ni Hontiveros

Binisita ni Senadora Risa Hontiveros ang mga nagwewelgang manggagawa ng Se Jung Apparel sa Dasmariñas, Cavite ngayong Rizal Day, Disyembre 30, 2019.

Sa isang press release, sinabing pumunta aniya siya sa piket para magbigay-suporta at tulong sa mga manggagawang naka-strike mula pa Disyembre 14 dahil sa umano’y unjust labor practices ng kompanya, gaya ng hindi-pagbabayad ng 13th month pay.

Nangako ang senadora na titingnan niya ang posibilidad ng paghahain ng Senate resolution para imbestigahan ang kalagayan ng mga manggagawa, lalo na ang mga babaeng obrero, sa mga special economic zone sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?