16
ABANTE HARRY ROQUE SALARY INCREASE TODO EXPLAIN
By

Mga nagwaging kandidato sa barangay, SK elections binati ng Palasyo

Sharing is caring!

Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa lahat ng mga nanalong kandidato sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ito ang unang eleksiyon sa ilalim ng Duterte administration at nagpapasalamat sila sa suporta at kooperasyon ng lahat dahil naging maayos at mapayapa ang halalan.

” The Palace wishes to congratulate all the duly elected Barangay and Sangguniang Kabataan officials. This is the first democratic electoral exercise under the Duterte administration, and we thank everyone for the full support in cooperation in ensuring that the 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan elections had been relatively peaceful and orderly in all regions of the country,”ani Roque.

Batay sa National Election Monitoring Action Center sa Camp Crame, nakapagtala ng 47 kaso ng karahasan mula April 14 nang magsimula ang election period, pito sa mga ito ay may kinalaman sa eleksiyon.

Sinabi ni Roque na walang seryosong banta na namonitor ang Armed Forces of the Philippines (AFP) habang ginaganap ang eleksiyon, at maayos na nailatag ang mga contingency measures kasama na ang deployment ng sapat na bilang ng mga bihasang AFP personnel sa mga lugar na natukoy ng Commission on Elections na mayroong banta ng karahasan.

Ipinauubaya na ng Palasyo sa Department of Interior and Local Government at Comelec ang pag-aksiyon sa mga natukoy na bilihan ng boto at pakikialam umano ng mga kandidato, partikular ang mga incumbent sa botohan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?