By

Mga nagtatrabaho sa gobyerno, mas masaya-Jobstreet

Sharing is caring!

Mas maligaya ang mga empleyado na nagtatrabaho sa mga ahensya ng gobyerno base sa survey ng Jobstreet Philippines.

Ayon sa Jobstreet, hiniling nito sa 1,008 na empleyado ng gobyerno na i-rate ang lebel ng kasiyahan nito sa trabaho mula 1-7, kung saan 7 ang pinakamataas.

Sinukat sa survey ang kasiyahan ng mga empleyado sa work environment, pagpapatakbo ng management, job security at work-life balance.

Lumabas dito na ang mga empleyado ng gobyerno ay nagtala ng average na 4.85 points mula 7 points na kasiyahan sa trabaho.

Kabilang sa sinabi ng mga empleyado na dahilan ng kanilang kaligayahan ay ang mission at vision ng kanilang ahensya at magandang relasyon nila sa kanilang mga boss.

Kasama naman sa mga karaniwang reklamo ng mga empleyado ang kawalan ng oportunidad na bumiyahe, kawalan ng performance bonus at mababang sahod para sa ilan.

Kinumpirma ng survey ang pag-aaral ng Jobstreet noong 2017 kung saan lumabas na ang gobyerno ang pinakamasayang sektor kasama ng restaurant at hospitality industry.

Dagdag ng job hiring portal, 80 porsyento ng kanilang sign-up ay gustong magtrabaho sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?