136

Apr 16, 2020 @ 22:07
By

Mga nagsasabong, nag-iinuman tablado na sa tulong

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na bawat tulong na binibigay sa mga ito ay gamitin sa tamang paraan.

Sa pagsasalita niya ngayong Huwebes, mariing sinabi ng Presidente na huwag nang umasa ang mga nagsasabong at nag-iinuman ng anumang tulong sa gobyerno.

“Ibig sabihin may pera kayo. Do not expect any help,” anang Pangulo.

“Akala ninyo mayaman kayo nagsusugal kayo. Kulang na nga pera. At saka mga g***** pulis, nasa sabungan lang lagi,” dagdag niya.

“’Yung nahuli na pinaglalaruan ‘yung pera ng gobyerno intended to help you… It’s not na lahat kayo kinokondena ko. Probably there are about 80% na… ano. Pero ‘yung 20% mga tarantado talaga,” giit pa niya.

Nanawagan naman siya sa mga local government unit na imbestigahan kung sino ang nagpapasabong at nag-iinuman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?