9
dilg11
By

Mga nagpayamang barangay officials, sisilipin ng DILG

Sharing is caring!

Pinag-aaralan na ng Department of the Interior and Local Government ang pagsasagawa ng lifestyle checks sa mga opisyal ng barangay.

Ito, ayon kay Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino, ay para malaman kung ginamit nila ang pondo ng bayan para sila ay magpayaman.

Sinabi nito na may listahan na sila ng mga opisyal ng barangay na nabigong magsumite ng accounting ng paggamit nila ng pondo at aniya maaaring kasuhan nila ang mga ito.

Idinagdag pa ni Dino na hihingi sila ng tulong sa Bureau of Internal Revenue para sa isang memorandum of agreement na magiging daan sa pagsasagawa nila ng lifestyle checks sa mga barangay officials.

Aniya, hindi naman mahirap na malaman kung saan nanggaling ang ibang pera ng mga opisyal ng barangay dahil sa kanilang lugar ay magkakakilala naman nang husto ang mga residente.

Sinabi pa ng opisyal na dapat ay ibalik ng Commission on Audit ang mahigpit na pagpapalabas ng pondo sa mga barangay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?