17

By

Mga nagparehistrong botante, ‘di pa siguradong makaboboto

Sharing is caring!

Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi pa itinuturing na mga opisyal na botante ang mga nagparehistro mula July 2 hanggang September 29, 2018.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, dadaan pa kasi ang aplikasyon sa Election Registration Boards (ERB).

“Once they are approved by the ERBs (Election Registration Boards), that is the only time one can say that an applicant is already a registered voter,” saad ni Jimenez.

Inaasahan umanong maipoproseso ang aplikasyon ng ERB sa loob ng dalawang linggo.

Ang mga aprubado at hindi naapruban na mga aplikasyon ay ipapaskil umano sa mga tanggapan ng mga election officer.

Dagdag pa ni Jimenez, ang bawat lungsod at munisipalidad ay may kanya-kanyang mga ERB na binubuo ng city o municipal election officer, public school offical at local civil registrar.

Sa nagdaang voters registration, umabot umano sa mahigit 2.5 million ang bilang ng mga aplikasyon na natanggap ng Comelec.

Ang mga nagparehistrong botante ay para sa nalalapit na May 2019 midterm elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?