75

Aug 5, 2021 @ 14:49
By

Mga nagpapakalat ng fake news, ma-COVID sana kayo! – Roque

Nilinaw ng Malacañang na walang polisiya o direktiba ang gobyerno na hindi makakakuha ng ayuda at hindi makakalabas ng bahay ang mga hindi bakunado sa Metro Manila sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na fake news ang mga kumalat sa social media na posible aniyang kagagawan ng mga taong walang magawa sa buhay at sana ay sila na lamang ang matamaan ng COVID-19.

Dahil sa kumalat na fake news ay dinumog ng mga tao ang vaccination centers kaya hindi napigilan ang siksikan at hindi nasunod ang social distancing.

“Tingin ko po mayroon talagang nagpapakalat ng fake news. Mayroon talagang walang matinong gjnagawa sa buhay nila. Ewan ko ba kung bakit hindi pa sila ma-COVID no,” ani Roque.

Dapat aniyang makinig at manood sa mga istasyon ng gobyerno para malaman ang mga tamang impormasyon sa panahon ng lockdown.

“Wag po kayong maniwala sa fake news. Kaya nga po patuloy ang serbisyo ng lahat ng government communication entities dahil importante sa panahon ng pandemya, sa panahon ng lockdown malaman ninyo ang katotohanan,” dagdag ni Roque.

Sinabi ng kalihim na walang diskriminasyon sa pamamahagi ng ayuda sa panahon ng ECQ sa Mstro Manila, bakunado man o hindi .

Malinaw po ang patakaran sa panahon ng lockdown na ang papayagan lamang lumabas para bumili ng mga pangangailangan ay yaong otorisado lamang at mayroong quarantine pass.

” Lahat po tayo dapat huwag lumabas ng bahay except para kunin ang ating necessities at except kung tayo ay authorized person outside the residence. It does not matter po kung kayo ay bakunado o hindi at the time of ECQ, homeliners lahat dapat,” wika ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?