13

Sep 29, 2020 @ 22:09
By

Mga nagdududa sa Miami Heat pinatahimik ni Spoelstra

Kung bago nasuspinde ang NBA play ng March 11 dahil sa coronavirus at may nagsabing papalaot ang Miami Heat sa NBA Finals, malamang pinagtawanan.

Iniitsa-puwera buong season ang Heat, pero pinatahimik ng team ni Fil-Am coach Erik Spoelstra ang doubters.

No. 5 sa East, nilaktawan ng Miami ang Pacers sa first round sa Orlando bubble. Isinunod nila ang NBA-best Milwaukee at si MVP Giannis Antetokounmo sa second round, bago sinipa sa anim na laro ang Boston sa conference finals.

Balik sa title round ang Heat laban kina LeBron James, Anthony Davis at Lakers. Babasagin ang best-of-seven sa Oct. 1.

Si Bam Adebayo, tumabo ng career-high 32 points at 14 rebounds sa series clincher kontra Celtics, ang nagsabing itutuloy nila ang Cinderella run.

Mula sa Heat Nation:

“We’ve been underdogs. … Everyone up here got chips on their shoulders. … It’s a toss up in the Finals. We’re not backing down from anybody.”

Matatapat si Adebayo kay Davis sa gitna pero may Dwight Howard at JaVale McGee pa ang Lakers.

Jimmy Butler laban kay LeBron James. Jae Crowder, Duncan Robinson at Goran Dragic ng Heat laban kina Danny Green, Markieff Morris at Kyle Kuzma ng LA. May playoffs veteran kay Andre Iguodala ang Miami, may Rajon Rondo ang LA. Tyler Herro ng Heat at Alex Caruso ng Lakers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?