49

Jul 17, 2021 @ 15:24
By

Mga nag-rally health workers, nakausap na – DOH

Naayos na umano ng Department of Health (DOH) ang problema sa benepisyo at allowance ng mga health worker na nagprotesta sa tanggapan ng ahensya kamakailan.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pagkatapos lang ng isinagawang kilos-protesta ng ilang health workers ay pinatawag ang mga ito at kinausap.

“After the rally yesterday, pinatawag po natin ‘yung mga healthcare workers na nag-rally at kinausap ng DOH officials” wika ni Vergeire.

“We discussed the issue with them at nagkaroon naman po ng kalinawan,” dagdag pa niya.

Pahayag pa ni Vergeire, hinihintay na lamang ng ahensya ang ilang dokumento mula sa mga healthcare agency upang maibigay na ang allowance at benepisyo ng mga health worker.

Bukod dito, inaayos na rin daw ng DOH ang pagbabago sa salary grade ng mga nurse sa mga pampublikong ospital. Isinumite na umano nila sa Budget Department ang problema hinggil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?