56

By

Mga nadale ng tigdas, umabot na sa mahigit 16,000

Patuloy na lumulobo ang bilang ng mga may tigdas sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Eric Domingo, sa pinakahuling tala ng DOH, umabot na sa 16, 349 ang naiulat na tinamaan ng tigdas mula sa iba’t ibang rehiyon.

Sakop nito ang petsa na mula January 1 hanggang March 4, 2019.

Nakapaloob naman sa naturang bilang ang mahigit 200 mga nasawi kung saan pinakamarami sa mga ito ay galing sa CALABARZON at NCR.

Muli namang iginiit ni Domingo na ang pinakamainam na paraan para maiwasan ang tigdas ay pagpapabakuna.

Nagpaalala rin sya publiko na dalasan ang paghuhugas ng kamay at ugaliing maglinis nang hindi na mahawa pa sa nakamamatay na sakit.

Nabatid na bago matapos ang Pebrero, mahigit isang milyon na ang nabakunahan laban sa tigdas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?