285

Dec 29, 2017 @ 17:00
By

Mga nadale ng paputok, 72 na – DOH

Umabot na sa 72 ang bilang ng mga nadadale ng paputok, dalawang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ay makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng labing isang panibagong kaso mula December 21, 2017.
Base sa pinakahuling ulat ng Aksyon: Paputok Injury Reduction 2017, limampu’t siyam sa mga kaso o 82 percent sa mga biktima ay nagtamo ng blast injury nang hindi naputulan ng bahagi ng katawan, labing-isang kaso o 15-percent ang dumanas ng pinsala sa mata, at apat na kaso o anim na porsyento ang naputukan pero naputulan ng bahagi ng katawan.

Apat na pu’t siyam na kaso o 68 percent ay nadale sa kamay.

Ninety six percent sa mga biktima ay mga lalaki na edad 11 buwang gulang hanggang 62 taong gulang.

Nangungunang dahilan ng pagkasugat ay ang paputok na Piccolo na nakapagtala ng 44 na kaso.

Ang pinakahuling bilang ng mga naputukan ay mas mababa ng 48 kaso o 40-percent kumpara sa kaparehong panahon na naitala noong nakaraang taon. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?