398

By

Mga nabiktima ng ‘bitcoin scam’ nakakatanggap na ng death threats

Sharing is caring!

Nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kay incoming Philippine National Police Chief Gen. Oscar Albayalde at Criminal Investigation and Detection Group Chief (CIDG) Supt. Roel Ubusan na imbestigahan nang mabuti ang nahuli ng CIDG na diumano’y estapador na si Arnel Ordonio.

Sa ginanap na presscon sa Maynila sinabi ni VACC Region 3 Chief Pyra Lucas, binabaligtad ngayon ni Ordonio ang kanyang mga biktima at sinasabing ang mga ito ay kakutsaba niya sa panloloko.

Paliwanag pa ng mga naloko ni Ordonio, lahat sila ay pawang nakakatanggap ng death threats dahil mayroong umaaligid na riding in tandem at isang mobile patrol na pulis sa harapan ng bahay ng biktimang si Joseph Gantan.

Hinala ng mga biktima, may taong nagpoprotekta kay Ordonio lalo na at madalas mag-post ang suspek sa kanyang Facebook account ng mga kasama niyang politiko na pawang investors din umano nito.

Matatandaang noong isang linggo lang ay naaresto ng CIDG si Ordonio matapos hikayatin ang libo-libong Filipino na mamuhunan sa kanyang NewG Company kung saan kikita ang halagang P50,000 ng P63,000 sa loob lamang ng 16 araw.

Base sa reklamo ng mga biktima, papalo sa bilyon-bilyong piso na ang nakulimbat ni Ordonio sa kanilang grupo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?