27

Sep 8, 2021 @ 10:12
By

Mga nabakunahan ng first dose ng Sputnik V, abangers muna sa 6 buwan – DOH

Maaaring abutin pa nang anim na buwan ang mga tinurukan ng first dose ng Sputnik V COVID-19 vaccine bago nila matikman ang second dose nito ayon sa Department of Health (DOH).

Ani DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman nitong Martes, kahit unang dose pa lang naman ng naturang bakuna ay mataas na ang efficacy rate nito kontra virus.

“Una, gusto nating i-reassure iyong mga nakatanggap na ng first dose ng Sputnik na puwede po nating hintayin, after six months after the first dose bago po natin makuha ang second dose,” sambit niya sa isang pahayag.

“Ikalawa, iyong unang dose pa lamang po ng Sputnik can actually confer a high efficacy rate,” pagpapatuloy niya.

Kaugnay nito, tiniyak ni De Guzman ang publiko na kasalukuyang gingapang na ni vaccine czar Carlito Galvez ang pagpakayaw pa ng naturang bakuna.

“At ikatlo po, ang atin namang vaccine czar ay talaga namang nagtatrabaho para nga po makarating na po iyong ating second dose ng Sputnik,” wika ni De Guzman.

Nito lamang nakaraang buwan nang makatanggap ang bansa ng 15,000 doses ng Spitnik V vaccine sa siyang nakalaan pa sa second dose.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?