82
Mga Muslim sa Baseco tutulong sa 2020 Traslacion
Jan 4, 2020 @ 17:28
By

Mga Muslim sa Baseco tutulong sa 2020 Traslacion

Sa kabila ng magkaibang paniniwala, nangako ang Muslim community sa Baseco na susuportahan ang mga deboto na makikiisa sa gaganaping prusisyon ng Itim na Nazareno sa Enero 9, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Nakipagdayalogo si NCRPO acting chief Brid. Gen. Debold Sinas sa mga Muslim community leader sa naturang lugar at nag-alok aniya ang mga ito ng tulong para masiguro ang ligtas at “solemn celebration” ng kapistahan ng Black Nazarene.

Magsisimula ang taong ito na Traslacion sa Rizal Park hanggang makabalik ang Black Nazarene sa Quiapo Church.

Target ng NCRPO na mapaiksi ang oras ng isasagawang prusisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?