193
motorcycle

Mga motorsiklo, oobligahing magbukas ng headlights

Sharing is caring!

Aprubado na ng House Committee on Transportation ang panukalang batas na naglalayong obligahin ang mga driver at operator ng motorsiklo na magbukas ng ilaw sa sandaling paandarin ang makina at habang umaandar sa buong biyahe.

Ang House Bill 1318 o ang “Mandatory Automatic Headlights On for Motorcycles Act” ay iniakda ni Buhay partylist Rep. Mariano Michael Velarde Jr.

Layon ng panukala na mapababa ang mga insidente ng banggaan sa pamamagitan ng mas mataas na motorcycle visibility.

Sa ilalim nito, nire-require din ang

motorcycle manufacturers, assemblers, at distributors na tiyaking merong Automatic Headlights On System, mechanism o device, na nakakabit sa mga motorsiklo bago ibenta ang mga ito.

Kailangan ding merong isa hanggang dalawang gumaganang headlights ang motorsiklo.

Walang motorsiklo ang papayagang marehistro nang walang Automatic Headlights On System, mechanism o device.

Pagmumultahin ng P1,000 hanggang P2,000 ang driver sa unang paglabag; P2,500 hanggang P3,000 para sa ikalawang paglabag; at P3,500 hanggang P5,000 at suspensyon ng lisensya sa loob ng isang buwan para sa ikatlo at mga susunod pang paglabag.(Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?