115

Jul 15, 2020 @ 14:09
By

Mga motorsiklo na walang barrier huhulihin na

Simula Hulyo 20, 2020, huhulihin na ng awtoridad ang motorcycle rider na hindi naglagay ng barrier shield para sa back-riding.

Sabi ito ni Interior Secretary at National Task Force against COVID-19 vice chair Eduardo Año ngayong Miyerkoles.

“Ngayon sinisita at kino-cautionan sila. Starting Monday, magpapatuapd na JTF (Joint Task Force)-SHIELD ng panghuhuli,” dagdag niya.

Inapruba ng NTF COVID-19 ang mga disenyo ng motorcycle shield ni Bohol Governor Arthur Yap at ng Angkas, pero maraming mamamayan ang nangamba na delikado ang naturang barrier.

“Dangerous, inconvenient, and does not make sense,” ang komento pa ni Cavite Governor Jonvic Remulla.

Pero pinagwalang-bahala ang mga ito ng kalihim.

“Wala namang disgrasya, lalo pa ngang naging maingat yung driver,” aniya pa.

Hulyo 10 nang muling payagan ng gobyerno ang back-riding para sa mga mag-partner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?