161

Jul 8, 2019 @ 20:12
By

Mga motoristang humarang sa ambulansiya, papanagutin ng MMDA

Iniimbestigahan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang insidente kung saan hindi pinadaan ng ilang sasakyan ang isang ambulansiya.

Nakunan ng video ng Facebook user na si Jing Zamora ang mga sasakyan na sumalubong at hindi nagbigay-daan sa ambulansiya na may emergency sa Las Piñas noong Biyernes.

Ipapatawag ang mga ito at pagpapaliwanagin, ani MMDA General Manager Jojo Garcia.

Maaari ring masampahan ng kaso, pagmultahin at masuspinde ang lisensiya ng mga humarang na motorista dahil sa paglabag sa “right of way provision” para sa emergency vehicles gaya ng ambulance, fire trucks at sasakyan ng pulisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?