67

Aug 25, 2020 @ 18:15

Mga ML addict nabaliw sa Diggie ni Rafflesia

RP

Saan ka makakakita ng laro na nagpapapatay ka para manalo?

Ilang araw na ang nakalilipas ngunit pinag-uusapan pa rin ang naging strategy ng Aura PH captain na si Chan ‘Rafflesia’ Faura sa Mobile Legends Professional League (MPL) Season 6.

Sa unang laban nila kontra sa bigating team na Execration, marami ang nagulantang sa Diggie pick ng Aura PH, na hindi madalas makita sa mga pro play.

At mas maraming nagulat sa naging strategy ni Rafflesia para sa Diggie, kung saan intensyunal itong nagpapapatay sa mga kalaban.

Kung sa tingin ng marami ay instant talo agad kapag may nagpapa-feed na kakampi, binaligtad ni Rafflesia ang sitwasyon dahil sa kanyang ginawa ay mas lumamang pa ang kanyang koponan at kinuha ang panalo na kinabaliwan ng mga Pinoy fan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?