44

Jan 21, 2020 @ 18:55
By

Mga miron pinasisipa na si Simmons

Sobrang angas ni Ben Simmons, naging tampulan ng tukso at ipinapa-trade na ng ilang miron.

Kadalasang ang star ng isang team ang sentro ng trades, hindi nakaligtas dito si Simmons sa Philadelphia.

Hindi dahil wala siyang silbi, kundi sa tindi mg nilalaro.

Tinatawag na nga ang Australian na ‘phenomenal’ at ‘freak’.
Patunay rito ang halimaw na numero ni Simmons nang kubabawan ng 76ers ang Brooklyn Nets 117-111 Lunes ng gabi.

Pinuno ni Simmons ang stats sheet sa career high-tying 34 points, 12 rebounds at 12 assists. Tamad siya sa depensa, naka-5 steals at 2 blocks lang naman.

Obvious na si Simmons ang centerpiece ng Sixers habang nagpapagaling mula thumb surgery si big man Joel Embiid.

Wala si Embiid, 5-2 ang Philly. Nag-average si Simmons ng 21.3 points, 9.1 rebounds at 7.8 assists sa pitong larong ‘yun. Kontra Nets, 12 of 14 siya sa field at 10 of 14 sa free throws.

“Ridiculously dominant,” deskrispsiyon ni Sixers coach Brett Brown.

Buong season na hindi natahimik ang mga nakabantay na kritiko ni Simmons.

Hindi raw makalaro ang 6-foot-10 point guard nang maayos kasama si Embiid. Allergic sa 3-point shooting. Allergic sa sudden stop shooting maliban kung nasa harap na ng ring. Dapat na raw siyang i-trade.

Pagkatapos ng Brooklyn game, sa Twitter binuweltahan ng supporters ni Simmons ang mga kritiko.

“Please trade Ben Simmons he’s too good,” bundol ni @Dcorrigan.
“Trade Ben Simmons,” sundot ng may handle na @SixerSense.

Nagdagdag ng 19 points si Al Horfor sa 76ers, tig-15 sina Tobias Harris at Josh Richardson.

Wala si Kyrie Irving sa Nets dahil sa hamstring tightness, binitbit ng 22 points ni Spencer Dinwiddie ang Brooklyn na napuwersa sa 10 turnovers sa fourth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?