45
tim-cone-1

Mga miron, bawal sa Gilas practice – Cone

Pinagbawalan ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang media at mga fan na makapasok at makapanood ng unang ensayo ng team bilang paghahanda sa 30th SEA Games sa Disyembre.

Closed-door ang practice ng Gilas Pilipinas Lunes ng gabi sa Meralco gym upang mas makapokus daw ang mga manlalaro.

Nakatakda ang ensayo 6-8 Lunes ng gabi ng 15-man Gilas pool na pinangalanan kamakailan ni Cone.

Pinayagan lang pumasok ang mga miyembro ng media 15 minuto bago matapos ang practice session.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?