9

Jan 5, 2021 @ 17:51
By

Mga minimum wage, OFW unahin din sa COVID bakuna – Bello

Nais ni Labor Secretary Silvestre Bello III na iprayoridad din sa matuturukan ng coronavirus disease vaccine ang mga overseas Filipino worker (OFW) at minimum wage earner.

Sa suhestiyon ng labor chief, nais niyang ilagay sa panlima o pang-anim sa listahan ang mga OFW at minimum wage earner.

“I am proposing that they be at either level 5 or 6. Of course they will have to come after the health frontliners, soldiers, and the vulnerable sector,” pahayag ni Bello sa isang virtual forum.

Paliwanag niya, karapat-dapat iprayoridad ang mga OFW dahil kinokonsidera ang mga itong “modern-day heroes” habang ang mga minimum wage earner aniya ang nagpapagalaw sa ekonomiya.

“They should be treated as our modern day heroes. The minimum wage earners are movers of the economy that’s why we should maintain their health,” lahad ni Bello.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?